MATAPOS maging tampulan ng batkos sa,social media, ganap nang inalis ng Land Transportation Office (LTO) ang karagdagang medical examinations sa mga may driver’s license na may bisang lima at sampung taon.
Naglabas rin ng direktiba si LTO Chief Jay Art Tugade na amyendahan ang LTO Memorandum Circular 2021-2285 o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10930.
Partikular na tinukoy ni Tugade ang probisyon nagtatakda ng periodic medical examination bukod pa sa regular medical exam na kailanfan sa pagkuha ng bago o renewal ng driver’s license.
Minabuti ng ahensya na hindi na obligahin pa ang mga driver na sumailalim sa naturang periodic medical examination na inilarawan ni Tugade na walang silbi, batay sa pag-aaral, datos at pananaw ng mga eksperto.
Lumabas sa mga datos na ang hindi pagsalang sa periodical medical examination ay hindi dahila sa pagdami ng aksidente sa lansangan.
“There’s no empirical data saying that the periodal medical examination could prevent road crashes,” ayon pa sa LTO chief.