NAIS ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na silipin at tukuyin ng Kamara kung sino ang may kontrol sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na responsable sa distribusyon ng kuryente sa buong bansa.
“The reason why I feel that that document is very important in this inquiry is because we like to determine sino ba talaga ang nagko-control ng NGCP? Is it run, controlled, managed, operated by the Chinese? Or is it really the Filipino?,” pambungad na patutsada ni Barbers.
“Very crucial ito Mr. Chair, because we like to determine up to what extent thus the foreign incorporators or counterpart have influence over the management operation and control of this corporation,” dagdag pa ranking House official.
Ginawa ni Barbers ang pahayag sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchise, na pinamumunuan ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting. Sa naturang congressional inquiry, hindi isinumite ni NGCP lawyer Lilly Mallari ang shareholders’ agreement sa pagitan ng State Grid Corp. of China (SGCP) at ang billionaire Filipino-Chinese partners ng huli.
Binigyan ng House panel ang NGCP ng isang linggo para tumalima.
Sa ilalim ng umiiral na batas, hanggang 40 percent lang dapat ang pag-aari ng mga dayuhan sa lahat ng negosyo sa bansa – pribado man o government corporation. Sa kaso ng NGCP, pag-aari ng state-owned Chinese firm na SGCP ang 40 percent ng power transmission corporation habang 60 porsyento ang nakatala sa mga Filipino partners.
Kamakailan lang, binalaan ni Albay Rep. Joey Salceda ang NGCP sa aniya’y posibleng paglabag ng umiiral na batas dahil aniya sa nabistong “shares” ng mga Chinese nationals” sa 60 percent controlling stake na nakalaan para sa mga Pinoy.
“This will probably fall under our anti-dummy law,” ani Salceda, na isiniwalat ang pagkakaroon ng apat na Chinese sa NGCP board of directors, kabilang ang chairman nito na si Zhu Guangchao; Directors Shan Show, Liu Ming at Liu Xinhua.
Dagdag pa ni Salceda, sa isang online report, ipinagmamalaki ng firm SGCP na hawak n anito ang malaking control sa Philippines electricity transmission network, at dahil dito, maaaring mayroong banta sa national security kung kontrolado ng dayuhan ang energy sector ng bansa. (Romeo Allan Butuyan II)
