KUNG pagbabatayan ang resulta ng pinakabagong survey ng Octa Research Group, unti-unti nang bumabalik ang tiwala ng mga mamamayan sa Philippine National Police (PNP).
Gayunpaman, ayaw magpaka-kampante ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa mataas na antas ng tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan.
Sa isang kalatas, inamin ng hepe ng pambansang pulisya na isang malaking bentahe sa PNP ang 71 percent trust rating — bukod pa sa 73 percent performance rating ng Octa survey para sa buwan ng Hulyo.
Wala rin aniyang pagsidlan ang nadaramang saya sa mga nagaganap na pagbabago sa kapulisan.
“Pagsusumikapan pa natin itaas ang antas ng kalidad ng serbisyo ng PNP sa mga mamamayan,” pahayag ni Torre na mahigit isang buwan pa lang mula nang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-31 PNP chief. (EDWIN MORENO)
