MAHALAGA ang pagbabalik ng Senado sa P50 billion na siyang orihinal na panukalang ilalaan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program sa hangaring maipagtanggol ng soberanya ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kasabay nang kanyang pagpupuri sa paninindigan ng Senado na ipinagpatuloy ng AFP ang modernization program nito.
“I would like first to express my utmost gratitude to our Chairperson of the Committee on Finance, Senator Grace Poe for not only restoring the National Expenditure Program level of the Revised AFP Modernization Program at ₱50 billion but also in effect fighting for the freedom and sovereignty of our country,” pahayag ni Dela Rosa.
“I am certain that this additional funding for our armed forces will not only bring them new and technologically advanced military equipment but perhaps most importantly, boost their morale and confidence. You made them feel that they are not alone in defending our motherland,” dagdag ng Mindanaoan lawmaker matapos aprubahan ang House Bill No. 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB) sa ikatlo at huling pagbasa noong Martes.
Si Dela Rosa ang siyang unang nagpabatid sa pagkakaltas ng House of Representatives sa P50 billion para sa AFP Modernization Program na siyang unang nilalaman ng National Expenditures Program (NEP) at na nais ng Lower House na gawin na lamang P40 billion sa senate version ng GAB.
Unang pinuna ng Senador ang Kamara sa pagbawas na ito ng P10 billion sa pondo para sa AFP modernization at iginiit na ang budget reduction ay taliwas sa unang pahayag ng mga pulitikong na suportado umano nila ang AFP lalo na kapag mayroon mga sundalong nalalagay sa peligro sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, partikular sa West Philippine Sea.
Ayon kay Dela Rosa, lubhang maaapektuhan ang sigla at sigasig ng mga sundalo kung masunod ang nasabing budget cut.
“Hindi natin bini-blame ang gobyerno natin, hirap tayo sa pera. Pero kung maramdaman ko being a soldier, being a sailor na iba pala iyong priority ng gobyerno natin, pina-priority pa iyong pamimigay ng AKAP… tapos binawasan pa ng Lower House ng P10 billion, iba rin ang magiging reaksyon, as far as morale is concerned,” anang retiradong heneral na nagtapos sa Philippine Military Academy.
Si Dela Rosa ay kabilang sa mga senador na magiging bahagi ng bicameral conference committee meeting para sa 2025 GAB.
Ang mga lawmaker kapwa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ay magsasagawa ng pagpupulong para sa bicameral conference para sa “reconciliation” ng magkasalungat na probisyon sa ilalim ng Senate at House version ng budget bill.
