PAGSAPIT ng buwan Disyembre, pasado na sa Senado ang panukalang P150 across-the-board salary increase para sa hanay ng mga manggagawang Pilipino, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
“We are pushing that before the year ends, again by December, we will pass the legislated wage bill,” ani Zubiri.
Gayunpaman, aminado ang lider na Senado na nabigo ang Kongreso na makumbinsi ang Palasyo na isama ang dagdag-sahod sa mga panukalang batas na nasa talaan ng mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
“But what is important is that the Senate will make a stand,” ani Zubiri sa isang pulong-balitaan.
Sa sandaling pagtibayin ng Senado ang dagdag-sahod sa hanay ng mga manggagawang Pilipino, isusunod naman aniya nilang hikayatin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikonsidera ang panukalang magbibigay-tugon sa daing ng mga ordinaryong empleyadong pilit pinagkakasya ang kakarampot sa sweldo sa gitna ng walang puknat ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa merkado.
“We will pass it here…Once we pass it here, I will approach our President and I will personally appeal to him and hope that he will agree, and hopefully the House of Representatives will be able to pass a similar measure,” pagtitiyak ni Zubiri.
Bago pa man naglabas ng posisyon si Zubiri, una nang kinastigo nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang Department of Labor and Employment (DOLE) na anila’y walang malasakit sa hanay ng mga manggagawa.