
NAKATAKDANG humugot ng karagdagang P22 bilyon pondo ang Office of the President para tustusan ang paghahanda sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa 2026 kung saan Pilipinas ang tatayong punong-abala (host).
Paglilinaw ni Executive Secretary Lucas, hindi bahagi ang naturang halaga sa P5.2 bilyong hirit ng Palasyo sa 2025 national budget para sa summit.
Ayon kay Bersamin, malaking paghahanda ang kailangan para sa ASEAN Summit kaya kailangan ang malaking pondo para sa pandaigdigang pagtitipon.
“That’s a very gargantuan task and it is a showcase of Philippine politics, Philippine leadership, and Philippine social condition. Malaking effort `yan, but we only estimate, we may require P22 billion to prepare,” wika ni Bersamin.
Saklaw aniya ng naturang pananalapi ang renta sa Philippine International Convention Center (PICC) at iba pang pasilidad na gagamitin sa ASEAN Summit.
Binigyang-diin ni Bersamin na mahalaga ang ASEAN dahil bahagi ito ng international relations ng bansa.
“After 2025, we will ask for more, bigger but that will be in the NEP that will be submitted in 2025 for 2026,” dagdag ni Bersamin.