
TALIWAS sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kapos ang supply ng bigas para sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Katunayan, agresibong tinutulak ng National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng hindi bababa sa 330,000 metriko toneladang bigas bilang paghahanda sa nakaampang kakulangan ng supply pagsapit ng buwan ng Hulyo.
Pag-amin ng Palasyo, nakipag-ugnayan na ang NFA sa punong ehekutibo. Sa naturang pulong ipinaliwanag di umano ng NFA na ang 330,000 metriko toneladang bigas na target angkatin ng ng NHA sapat para pakainin 109 milyong Pilipino sa loob ng siyam na araw.
Ito rin anila ay tutugon sa pangangailangan sa mga kalamidad na posibleng tumama sa panahon ng tag-ulan.
“The NFA is proposing the importation of 330,000 MT of rice to cover an expected deficit in the country’s buffer stock for the relief operations of various agencies in the event of calamities this year,” saad sa pahayag ng Presidential Communications Office.
“Given the NFA’s budgetary constraints, the agency expects its buffer stocks will decrease to less than 500,000 sacks by July 2023, which is equivalent to less than a day of public consumption,” dagdag pa ng PCO.
Mungkahi ng NFA sa Pangulo, ‘government-to-government’ na pag-angkat para makatipid ang gobyerno.