Ni Estong Reyes
DAPAT pagtibayin ng Senado kung sakaling magdesisyon ang administrasyon na bumalik sa International Criminal Court (ICC) na nilikha sa ilalim ng Rome Statute, ayon kay Senador Francis Tolentino.
Isinagawa ni Tolentino ang pahayag matapos ikonsidera ng Palasyo na maaaring bumalik ang bansa sa ICC.
Naunang ipinalutang ng administrasyon ang pagbabalik ng bansa sa ICC bilang reaksiyon sa interview sa Taguig City hinggil sa nakabinbin na panukala sa House of Representatives na naglalayong payagan ang ICC investigators na iimbestigahan ang war of drugs na ipinatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ng senador na kumalas ang gobyerno bilang miyembr ng Rome Statute na lumikha sa ICC kaya’t nararapat na muling isalang sa concurrence ng Senado ang bagong tratado.
“So hindi siguro – sa tingin ko ngayon baka mali ako hindi siguro purely Executive act lang baka mangailangan ng concurrence ng Senate kasi parang papasok tayo sa bagong tratado. So tignan natin kung anong implications n’un, aniya.
Kahit pumabor si Tolentino sa posisyon ng Pangulo sa isyu ng jurisdiction na dapat linawin at tugunan kung sino ang aarestuhin, paano isasampa ang kaso, paano liliitisin at dapat Pilipinas ang magtatakda nito, hindi ang dayuhang lupon.
“Kasi it is supportive of our claim that we are a sovereign nation. Our courts are functioning…tama si Presidente na pag mayroong gumaganang judicial system, walang karapatan pa yung other courts outside our jurisdiction to come in,” giit niya.
Idinagdag pa ni Tolentino na mapapaisip din ng Supreme Court na dapat mag-subscribe sa notion na hindi kumikilos ang ating korte.
Habang ipinaliliwanag ang kanyang posisyon sa huling panawagan sa gobyerno na makipagtulungan sa ICC sa isasagawang imbestigasyon sa war on drugs ng dating administrasyon. Ipinalutang ni Marcos ang posibleng pagbabalik ng bansa sa ICC.
“There is also a question: Should we return under the fold of the ICC? So, that’s again under study. So, we’ll just keep looking at it and see what our options are,” aniya.
