INAMIN ng China na nagsasagawa sila ng reclamation at dredging activities sa South China Sea ngunit ito umano ay sa kanilang teritoryo lamang, ayon sa foreign ministry ng Beijing.
Ito, ayon kay Ministry spokesperson Mao Ning, ay inisyu matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang forum sa Hawaii na gumagawa ng military facilities ang China na malapit na malapit sa Pilipinas.
“China carrying out construction activities on its own territory is a matter purely within the scope of China’s sovereignty and other countries have no right to point fingers at it,” sabi ni Mao sa press conference sa Beijing.
Iginiit nito na ang posisyon ng China sa South China Sea ay solidong nakabase sa kasaysayan at batas.
Sa Asia-Pacific Center for Security Studies forum, sinabi ni Marcos na nakikipag-negosasyonj na ito ang Pilipinas sa Vietnam at Malaysia dahil mabagal ang progreso sa pag-iisa ng COC sa ASEAN at China.
“We are now in the midst of negotiating our own code of conduct, for example, with Vietnam because we are still waiting for the code of conduct between China and ASEAN and the progress has been rather slow unfortunately,” ayon naman kay Marcos.
Gayunman, sinabi ng China na taliwas sila sa ideya ng paghihiwalay ng COC sa mga kumakamkam sa sa isla dahil anumang pag-alis sa DOC framework ay mababalewala.
Tinukoy ni Mao ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea or DOC, na hindi nagbigay ng parusa at nabigong pigilan ang China sa paglapit sa West Philippine Sea.