TINIYAK ng Israeli government na sa Pilipinas ang pagpapahintulot na makadaan ang mga Filipino sa Rafah Crossing patungong Egypt.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, tinitiyak ng gobyerno na makaaalis ang mga Filipino sa war zone at handa umanong gawin ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan sa naturang bansa. Nakipag-usap umano si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Foreign Minister of Israel at Philippine Ambassador Junie Laylo.
Nakipagkita rin umano si Laylo sa Israeli Foreign Minister na nangako na padadaanin ang mga Pinoy sa crossing. “So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest,” ayon kay Marcos sa press briefing.
“Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin.”
Ang Rafah Crossing Point ang tanging daan sa pagitan ng Egypt at Gaza Strip, sa Gaza-Egypt border.
re the ones there first because ang presence naman ng Pinoy in the area is much higher than the others. So, that is the latest news that I received today, early this (Friday) morning from our Secretary of the DFA,” Marcos said.
“And sana naman matotoo na para mailabas na natin lahat ng gustong lumabas and bring them back home to safety.”