TINIYAK ni Senador Edgardo “Sonny” Angara na tututukan lamang sa pagdinig ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ang tatlong panukalang amendments sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng sub-committee on on Constitutional Amendments and Revision of Codes matapos tuluyan nang “pinatay” ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng pagkilos sa pekeng peoples’ initiative ni House Speaker Martin Romualdez.
“No discussion of political amendments,” Angara sa kanyang Viber message sa reporters.
Aniya, limitado ang diskusyon sa nilalaman ng RBH 6 na inihain nito kasama sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.
“Maganda yung gagawin ng Senado dahil limitado lamang sa economic amendments ito. Di katulad ng PI na walang limitasyon sa amyenda kung sakaling maamyendahan ang paraan ng botohan sa pagamyenda ng saligang batas. Hindi tatalakayin ng ating sub committee ang amyendang pampulitika,” ani Angara.
Tiniyak din ni Angara na kakatawan ang lahat ng sektor kabilang ang ilang constitutional experts bilang resource persons.
“We will invite a wide sector of society and the political spectrum to ensure healthy discussion and debate,” aniya.
Naglalaman ang RBH 6 ng panukalang amyendahan ang Section 11 of Article XII o ang National Patrimony and Economy; Paragraph 2, Section 4 of Article XIV o ang Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports; at Paragraph 2, Section 11 of Article XVI o ang General Provisions.
Naunang inihayag ni Zubiri na kailangan maging “constitutionalize” ang Public Services Act na kasalukuyang dinidinig ngayon sa Supreme Court at mapapagaan ang regulasyon upang payagan ang mas maraming dayuhang investments sa bansa.
Ebidensiya, ipinalalatag ni Bato kay Lascañas vs Sara bilang ‘Reyna ng Tokhang’
Ni Ernie Reyes
Hinamon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si self-confessed former Davao Death Squad (DDS) hitman Arturo Lascañas na maglatag ng ebidensiya sa paratang nito laban kay Vice President Sara Duterte bilang “Reyna ng Tokhang” ang anti-drug operation noong nakaraang administrasyon.
Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na kung talagang may matitibay na ebidensiya si Lascañas, dapat magsampa siya ng kaso sa korte.
Nitong Miyerkoles, isinabit ni Lascañas si Vice President Sara Duterte sa Oplan Tokhang na hinihinalang pumatay ng mahigit 20,000 indibiduwal tulad ng petty pusher at menor de edad sa inilunsad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag, sinabi ni Lascañas na si Dela Rosa ang nagsabisa kanya na lumikha siya ng bagong extra-judicial killing (EJK) campaign laban sa illegal drugs na naging Oplan Tokhang.
Ayon kay Dela Rosa, hindi ibinulgar dati ni Lascanas ang naturang istorya.
“Anyway, wala naman siyang katakutan at hindi na presidente si PRRD,” ayon kay Dela Rosa.
Kasalukuyang dinidinig ng International Criminal Court (ICC) ang kaso laban sa mag-amang Duterte at Dela Rosa hinggil sa crimes against humanity sa inilunsad na war on drugs.
Ever Bilena faces P9.32M in tax deficiency charges filed by BIR
POPULAR cosmetic brand Ever Bilena is facing a total of P9.32 million in alleged tax deficiencies and a criminal complaint filed by the Bureau of Internal Revenue (BIR)
In a statement, the BIR said it filed charges of tax evasion, perjury and making false records or reports against Ever Bilena before the Department of Justice.
The company is being sued for total tax deficiencies of P9.32 million for taxable years 2018 and 2021.
According to the BIR, Ever Bilena made it appear that it had millions of purchases during these years.
However, the revenue agency said there were no such transactions and its purchases were based on non-existent goods and services from a ghost company.
“Fictitious purchases from the ghost companies are intended to over-claim deductions both in the annual income tax return and quarterly value added tax returns which eventually leads to a lesser or almost minimal income and VAT payments,” it said.
DENR inupakan ng mga magsasaka sa panggigipit sa distribusyon ng lupa
MANANATILING mailap ang pinapangarap na lupain kung patuloy na ipagkakait ng mga nakaupo sa gobyerno ang pamamahagi sa mga lupa — para sa agrikultura o lupaing hindi na ukol para rito — sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sa kalatas, hinimok ng Federation of Free Farmers (FFF) na ipatupad ang alituntunin sa reporma sa agraryo sa papublikong lupain at ipamahagi ang patas na distribusyon ng sa lupang sinasaka.
Partikular na pinasaringan ni FFF Chairman Leonardo Montemayor ang ilang ahensiya ng gobyerno na para sa kanya ay patuloy na tinataliwas ang Executive Order No. 75 na inisyu ng nakaraang administrasyon.
Partkular na tinukoy ni Montemayor ang Departments of Environment and Natural Resources (DENR), National Defense (DND), at Justice (DOJ) na umano’y nagpaplanong iparenta ang malaking bahagi ng kanilang naasakupan sa malalaking korporasyon. Ibinunyag din ni Montemayor ang pahayag kamakailan ng DENR sa alok sa ‘competitive bidding basis’ sa milyong ektarya ng nakakakalbong gubat sa pribadong sektor.
Nakikita umano ng sektor na ito ang negosyo sa ‘carbon credit’.
Ang pagbubunyag ay ginawa ilang linggo matapos iutos ni Pangulong Marcos kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na bilisan ang distribusyon ng lupa sa mga magsasaka upang matustusan ang produksiyon sa pagkain.
Ayon sa mga nailathalang artikulo (kung saan isinangkot ang hindi kinilalang DENR career official), ang halos 40,000 ektaryang Yulo King Ranch (YKR) na umaabot mula sa bayan ng Coron at Busuanga sa Palawan ay hindi inilipat sa DAR para ipamahagi sa halos 1,000 magsasaka.
Sinabi ng DENR official na hindi umano pinapansin ang kautusan ng paglilipat ng titulo ng farmland na bahagi ng YKR.
Pinamumunuan ang DENR ni
Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, na court-designated executor ng Yulo estate (including YKR) na naiwan ng kanyang ama, kilalang crony ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa paggiit ng Republic Act 6657 (kilala bilang Comprehensive Agrarian Reform Law), matagal nang ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang karapatan para magkaroon ng sariling lupa bago pa man tumuntong ang mga Yulo sa Palawan.
Ang bahagi ng YRK na sinasabi ng DENR official ay matagal na umanong nai-award noong 2009 sa New San Jose Builders Inc, ang kompanyang itinatag at pag-aari ni Jerry Acuzar.
Siya rin ang itinalaga ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
