SA halip na konsiderasyon sa delubyong dulot ng mga nagdaang bagyo, minarapat pa rin ng Department of Trade and Industry (DTI) na pahintulutan ang pagtaas sa presyo ng 95 produkto sa merkado.
Gayunpaman, nilinaw ng DTI na pawang pagkain para sa noche buena ang saklaw ng dagdag-presyo.
Base sa price guide na inilabas ng departamento, kabilang ang 256 noche buena items, kung saan 95 produkto ang tumaas ang presyo, habang hindi naman umano gumalaw ang presyo ng 129 pang iba.
May mga bilihin rin umano bahagyang bumaba ang presyo.
