Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KUMBINSIDO ang liderato ng Kamara na mas palalakasin ng makasaysayang paglagda sa nasa P170.6-billion Public-Private Partnership (PPP) concession agreement para sa rehabilitasyon at operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sektor ng turismo.
Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pagsasama ng pamahalaan at pribadong sektor ang magdadala sa Pilipinas sa rurok ng tagumpay sa larangan ng turismo.
Sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at San Miguel Corporation (SMC) President and CEO Ramon S. Ang, ganap nang nilagdaan ang kasunduan sa isang seremonyang dinaluhan ni Romualdez at iba pang opisyales ng pamahalaan kabilang sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Transportation Secretary Jaime Bautista, at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines.
Pinuri ng lider ng Kamara ang magkatuwang na hangarin ng administrasyong Marcos at private stakeholders, partikular ang grupo ni Ang para isulong ang iba’t-ibang makabuluhang proyektong naglalayon mapabuti ang airport facilities at services ng bansa.
“The rehabilitation and operation of NAIA under this PPP framework demonstrate the unwavering commitment of the administration of President Marcos, Jr. to fostering sustainable growth and innovation in our transportation infrastructure,” wika ni Speaker Romualdez.
“This momentous occasion signals a new era of progress and efficiency for NAIA,” dagdag pa niya.
Binigyan-diin din ni Speaker Romualdez ang kahalagahan sa pagkakaroon ng PPP projects para bigyan ng solusyon ang matagal nang suliranin sa operasyon ng paliparan at makatugon sa tumataas na domestic at international travelers demands.
Tiwala ang lider ng KAmara na sa ilalim ng pirmadong PPP deal, maiangat ang kalidad ng NAIA, makasunod sa pandaigdigang paqmantayan at mapabuti pang lalo ang operasyon lalo pa’t ang NAIA ang itinuturing na premier gateway sa Pilipinas.
“The revitalization of NAIA also promises broader economic benefits for our country and our people, including job creation, increased tourism, and greater connectivity with global markets,” pagtatapos ni Romualdez.
