Ni Ernie Reyes
MALAPIT nang maging reyalidad ang paglikha ng limang medical school at dagdag na state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa upang lumakas ang puwersa ng Pilipinas sa usapin ng medisina at health care, kabilang ang iba pang propesyon.
Inihayag ni Senador Chiz Escudero na maraming senador ang aktuwal na pumabor sa pagpasa ng 12 local higher education-related bills kabilang ang paglikha ng limang public medical schools sa buong bansa.
Sa plenaryo nitong Martes, inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang isang dosenang panukalang batas na inihain ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education na pinamumunuan ni Escudero.
Walang kuwestiyon o nag-interpelasyon o naghain ng amendments sa panukala sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo, ayon kay Escudero.
Nakatakdang isalang ang aprubadong panukala sa ikatlo at huling pagbasa.
“We are now a step away towards the realization of our goal of offering medical courses in various parts of the country to meet the health needs of Filipinos,” giit ni Escudero.
Aniya, kapos sa mahigit 114,000 ang bilang ng doctor bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic base sa data mula sa Department of Health.
Aniya: “The challenge today, he said, is not only addressing the current shortage but also the future increases in population that must be contended with.”
“Even if our population increase will decelerate and stabilize at 1.5 million a year, this would still have to be matched with new entrants to the medical profession,” ayon kay Escudero.
Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang pinapayagan ang mga state universities na lumikha ng sarili nitong college of medicine, ang mga sumusunod:
• Benguet State University in the Cordilleras, under Committee Report 109;
• Southern Luzon State University in Quezon Province, sa ilalim ng Committee Report 110;
• University of Eastern Philippines in Northern Samar, sa ilalim ng Committee Report 111;
• Don Mariano Marcos Memorial State University in La Union, sa ilalim ng Committee Report 112; and
• Visayas State University in Southern Leyte, sa ilalim ng Committee Report 116.
Bukod sa pagiging research at innovation hubs, tinukoy ni Escudeo na pawang “center of excellence” ang naturang limang unibersidad na palaging lumilikha ng “excellent board passers.”
Inaprubahan din ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang paglikha ng veterinary schools sa Bicol University sa Ligao, Albay (Committee Report 114) at the Southern Luzon State University-Catanauan Campus (Committee Report 115) sa Quezon province.
Aprubado din ng Senado ang mga sumusunod na panukala nitong Martes, ang:
• Paglikha ng Bataan Peninsula State University-Bagac Campus, sa ilalim ng Committee Report 94;
• Pagtatayo ng Leyte Normal University-San Isidro Campus, sa ilalim ng Committee Report 95;
• pagtatayo ng Pampanga State Agricultural University-Floridablanca Campus, sa ilalim ng Committee Report 96;
• Paglikha ng Polytechnic University of the Philippines-Paranaque City Campus, sa ilalim ng Committee Report 113; and
• Pagpapalakas ng Bulacan State University, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng curricular offerings at komposisyon ng composition Governing Board, sa ilalim ng Committee Report 108.