SINADYA at manakot ang layunin ng China nang magsagawa ng maniobra sa West Philippine Sea (WPS) sa tropa ng Pilipinas, ayon sa Armed Forces.
Sinabi ng National Task Force-WPS noong Biyernes na ang delikadong maniobra ng Beijing sa pinagtatalunang Ayungin Shoal ay posibleng makalikha ng aksidente.
“Napakadelikado dahil mahirap kontrolin ang barko at possible talaga ang aksidente,” sabi ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar.
Sinabi rin nito na ang ginawa ng Beijing ay dapat maiparating sa iba’t ibang mga bansa.
“Nakikita na natin ang tumataas na pressure ng China dahil sa illegal at hindi maganda nilang ginagawa sa WPS,” sabi pa ni Aguilar.
Nakuhanan ng video ng Philippine Coast Guard ang panggigipit ng China Coast Guard kung saan sinadya ng mga ito na harangan ang dalawang barko na escort ng PCG para sa resupply sa Ayungin Shoal.
Dalawang Chinese Navy ships ang nasa teritoryo ng bansa at isa sa mga ito ang lumapit pa sa barko ng Pilipinas.