
SA halip na umuwi sa kani-kanilang pinanggalingan, mas pinili ng mga dayuhang empleyado ng mga nagsarang POGO hubs na magtago at manatili sa bansa.
Pag-amin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), pahirapan ang pagpapalayas sa mga banyagang nagtatrabaho sa mga POGO hubs sa kabila ng direktiba ng pamahalaan, alinsunod sa POGO ban na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni Director Winston Casio na tumatayong tagapagsalita ng PAOCC ang 38 POGO hubs na patuloy ang operasyon sa kabila pa ng executive order ng Palasyo. Aniya, walang dahilan magpatuloy ang operasyon ng 38 POGO hubs matapos madowngrade ang visa ng mga dayuhang empleyado ng mga naturang establisyemento.
Sa ilalim ng umiiral na batas, bawal magtrabaho ang mga dayuhang tourist visa lang ang hawak.
“They should start going home now,” giit ni Casio sa isang panayam sa radyo.
“Maraming matitigas ang ulo, kasing titigas ng marmol ang mga yan,” aniya pa.