
NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
Ipagpapatuloy ng Kamara, sa pakikipagtulungan na rin sa administrasyon ang pagpapatupad ng iba’t-ibang programa na nakatuon sa pagpapababa sa ‘inflation rate’, kabilang ang pagsisigurong sapat ang suplay at nanatiling normal o nasa tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ang binigyan-diin ni Speaker Martin Romualdez bilang reaksyon na rin sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa patuloy na paghupa ng inflation rate ng bansa sa nakalipas na tatlong buwan.
“We are happy about this encouraging piece of good news, especially for our people. The easing of inflation last month meant that food prices were still down despite the fact that December and the Christmas season usually see prices jumping to unreasonable levels,” pahayag pa ng lider ng 300-plus-strong House of Representatives.
“This development is a testament to the collective effort and resilience of our people and the Marcos administration’s commitment to make life better for every Filipino,” paggigiit din ni Speaker Romualdez.
Nauna rito, iniulat ng PSA na simula noong Oktubre ng nakaraang taon ay naitala ang mababang 4.9 inflation rate kung saan naging 4.1 percent ito sa sumunod na buwan at sa pagtatapos ng taong 2023 o nitong nakaraang Disyembre ay lalo pa itong bumababa sa 3.9%.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang pagbaba na ito sa inflation ay nangangahulugan lamang na ang ipinatupad na intervention programs ng Marcos administration bago pa ang Christmas season ay nagkaroon ng positibong resulta.
Sinabi ng Leyte lawmaker na sa pagsisimula ng 2023, ang bansa ay nahaharap sa 14-year inflation peak, sa 8.7 percent noong Enero ng nasabing taon bunsod na rin ng pagsipa sa presyo ng pagkain at petrolyo.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, ang 3.9 % na December inflation rate ay alinsunod na rin sa government target na 2-4-percent inflation kaya naman patuloy na tututukan ng Kamara ang iba’t-ibang program, partikular sa ilalim ng 2024 national budget, na layuning tuluyang pagpapababa dito.
Kabilang sa mga programa ito ang pagsuporta sa farmers at fisherfolk in general, pagpapalago ng ekonomiya at pagtulong sa vulnerable sectors.
“We have to assist those in our agriculture sector, including those engaged in agri-business, so they can produce more. More rice, more fish, more vegetables, more staple food will translate to lower prices,” ani Speaker Romualdez.