
Ni Ernie Reyes
KINONDENA ng ilang senador ang pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Misamis Occidental habang nagpoprograma ang biktima nitong Nobyembre 5, 2023.
Sa magkakahiwalay na pahayag, matinding kinondena nina Senador Grace Poe, Ronald Dela Rosa at Mark Lapid ang pagpaslang kay Juan Jumalon, isang radio broadcaster sa Misamis Occidental.
Pinaslang si Jumalon, mas kilala bilang DJ Johnny Walker, habang nagsasagawa ito ng sariling programa sa Gold FM 94.7 sa kanyang tahanan sa Calamba, Misamis Occidental.
Kasabay nito, muling inihirit ni Mark Villar ang pagsasabatas ng panukalang magbibigay ng higit na proteksiyon sa Filipino journalists sa Senate Bill No. 2335 o ang Journalist Protection Act sa gitna ng pagpaslang kay Jumalon..
“I filed this bill because I recognize the hazard that comes with the journalism profession. Yet, it still comes as disheartening to know the killing of Mr. Juan Jumalon while practicing his profession,” ayon kay Senator Mark.
Napaulat na pinaslang si Jumalon sa loob ng kanyang radio booth sa gitna ng tirik na araw na nai-records ang insidente sa pamamagitan ng livestream ng kanyang programa .
“Ako po ay lubos na nakikiramay sa mga naiwang kapamilya at kaibigan ni Mr. Jumalon. Hindi po dapat nararanasan ng ating mga kababayan ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay while practicing their profession. As a legislator, I will seek measures that may protect our journalists,” ayon kay Senator Mark.
Ikaapat si Jumalon sa pinaslang kay journalist sa nakalipas na taon ng kasalukuyang administrasyon. Inihain ni Mark Villar ang SB No. 2335 sa pag-asang makapagbibigay ng dagdag na kasigurahan tulad ng disability and death benefits, at pagbabayad sa medical costs sa journalists at empleado media entities.
“Through this bill, we are hoping to extend our help to journalists and their families in bridging the costs and burden of disabilities and worst, death, in this field,” ayon kay Senator Mark.
Hinihintay lamang ng mambabatas na simulan ng kaukulang komite ng Senado ang pagdinig sa panukala sa layunin na mabigyan ng pagkilala ang mamamayag sa kanilang papel sa lipunan.
“The killing of radio broadcaster Juan Jumalon is utterly barbaric and has no place in a civilized society. We support a thorough and swift investigation to bring the perpetrators before the law,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na kapantay na mahalagang pagkilos na higpitan ng PNP at kinakuukulang awtoridad ang pagkilos laban sa may hawak ng illegal guns hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng lugar sa kanayunan.
“We want to know how the police and the military are working to curb the proliferation and use of unlicensed guns,” aniya.
Ayon kay Poe, nakadadagdag ng tapang sa killers ang illegal na baril tulad sa nakalipas, naisasagawa ng krimen sa tahanan at lugar ng pinagtatrabahuhan – na lugar na ating iniisip na ligtas.
“Denying the killers the means to carry out their vile act will help end the impunity for crimes against journalists” giit ni Poe.
Samantala, hiniling naman ni Dela Rosa sa PNP partikular sa regional director ng PRO 10 at provincial director ng Misamis Occidental na lutasin kaagad ang kaso sa lalong madaling panahon kahit anupaman ang tunay na motibo ng pagpaslang na maaaring ikabit sa trabaho ng biktima.
“They are the first group of people that we don’t want to be discouraged from doing their job is the media,” ayon kay Dela Rosa.