
Ni Estong Reyes
SAKALING maisabatas at pagtibayin ng Senado ang panukalang Philippine maritime zone law, nakatakda nang matuldukan ang patuloy na panghihimasok at panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Nitong Miyerkoles, tuluyan nang isinampa sa plenaryo ng Senado ang panukalang Senate Bill No. 2492 na isinumite ng special committee on Philippine maritime and admiralty zones sa pamamagitan ng chairman nitong si Senador Francis Tolentino.
Siyam na senador ang umawtor sa panukala sa pangunguna ni Tolentino kasama sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Raffy Tulfo.
“It is now the time for Congress, particularly the Senate of the Philippines, to stand up for what is ours and take this fundamental step in ensuring that our national interests in Philippine waters are protected, by passing this law that will ‘govern the seas and resources of the Philippines for generations to come,’” ayon kay Tolentino sa kanyang speech sa pag-eendoros ng panukala upangaprubahan sa plenaryo.
Ipinaalala din ng senador sa kasamahan ang maraming insidente ng panghihimasok ng China sa ating teritoryo na lantarang paglabag sa International law.
“One too many incidents of aggression already, Mr. President,” giit ng senador.
“It is time we take a stand against this bullying, Mr. President. With the passage of this Maritime Zones Act, Mr. President, we are taking a firm stand,” ani Tolentino.
Samantala, ipinanukala naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi lamang pagsisilbi ang bata bilang “reinforcement of our rights as an archipelagic state” kundi magiging bahagi nga ting legal, political, at diplomatic strategies ng bansa upang ipatupad ang rule of law sa ating karagatan.
Aniya, magsisilbi din ang pagpapatibay ng batas bilang Deklarasyon at commitment ng makasaysayang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016.
“Ito ay isang anunsyo na tayo, bilang mga Pilipino, ay hindi natatakot at patuloy na ipaglalaban ang sariling atin,” ani Villanueva sa hiwalay na sponsorship speech.