HINDI pa man nakaka-isang buwan mula nang balasahin ang Department of Health (DOH), inansyo ng Palasyo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Kalihim para sa naturang ahensya.
Sa ginanap na press briefing sa Palasyo, inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro pagtatalaga kay Dr. Edwin Mercado bilang bagong Health Secretary.
Paglilinaw ni Castro, kusang-loob umanong nagbitiw bilang Kalihim si Dr. Jose Pujalte Jr., “for health reasons.”
“Ang naipaabot ay kusang nag-resign si Dr. Pujalte dahil na rin sa kanyang kalusugan,” anang tagapagsalita ng Palasyo.
Wala pang isang buwan nang palitan ni Pujalte si dating DOH Secretary Ted Herbosa bunsod ng umano’y kabi-kabilang anomalya mula maupo sa pwesto noong 2022.
Sa maikling panahon ng panunungkulan, kinaladkad sa dalawang kontrobersya si Pujalte — ang umano’y pagkalulong sa sugal at pagsuspinde sa procurement ng mga gamot para sa mga pasyente ng tuberculosis.
Bago pa man hirangin sa DOH, nagsilbi si Mercado bilang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
