NAMUMURONG mabawasan pa ang bilang mga minority senators matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na nasa huling yugto na ang imbestigasyon sa umano’y ginampanang papel ni Senador Robin Padilla sa pugante sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kabilang sa batayan ng DOJ ang pag-amin ni Padilla na “nakiangkas” si Dela Rosa sa kanyang puting SUV palabas ng senado noong madaling araw ng Mayo 14.
Kasama rin sa sisiliping ebidensya ang payo ni Padilla kay Dela Rosa na magtago muna.
Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, hindi lang isang insidente ang tinitingnan ng mga state prosecutors kundi ang kabuuan ng mga pangyayari, kabilang ang mga naging pahayag bago, habang at matapos ang insidente.
“These utterances will be included in the determination of the possible culpability of particular personalities,” ani Vida.
Nahaharap si Dela Rosa sa warrant of arrest ng International Criminal Court bunsod ng kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan bilang Philippine National Police chief sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
