MATAPOS mangulelat sa resulta ng mga nakalipas na political survey, biglang nag dalawang isip si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa planong pagkandidato sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Remulla, plano na niyang tumakbo na lang bilang gobernador sa lalawigan ng Cavite.
“Everything is fluid but as of now, my heart is set on going back to Cavite talaga… we will cross that bridge when we get there,” wika ni Remulla.
“I miss home. This job is exhausting. At DILG akala n’yo maporma, mayabang, mabangis ‘di ba? Pero nakakapagod ang trabaho na ‘to,” dugtong ng Kalihim.
Una nang ibinahagi ni Remulla ang plano sa larangan ng politika. Isa sa mga pinalutang ng DILG chief ang posibilidad na pagsabak sa 2028 presidential elections.
Tinabla rin ni Remulla ang pagsabak sa senatorial derby — “I’m more set on going back. Talagang gusto ko nang bumalik sa Cavite,” aniya.
Bago itinalaga bilang DILG Secretary, matagal naglingkod bilang gobernador ng naturang lalawigan si Remulla.
