PINAWI ni Health Secretary Ted Herbosa ang pangamba ng publiko sa patuloy na pagtaas ng bilang ng respiratory illnesses sa China.
Sinabi ni Herbosa na hindi bagong virus ang kumakalat na sakit kundi bunsod lang umano ng panahon ng tag-lamig.
Sa interview, sinabi ni Herbosa na ang pagtaas ng respiratory illnesses sa China ay bahagi ng kanilang “seasonal endemic respiratory illnesses,” dahil winter umano sa naturang bansa.
“We’re monitoring the rise of respiratory illnesses in China, and they’ve given their reports to the WHO International Health Regulations. Hindi naman siya new virus, it’s the common diseases like mycoplasma, pneumonia, flu, and respiratory syncytial virus,” sabi ni Herbosa.
Huwag din umanong pangamba ang mga Pinoy sa sitwasyon sa China.
“I want to tell the people — don’t be worried. We’re doing our own surveillance and we will make sure sa Philippines, wala pa tayong nare-report na [we have not yet reported a] rise of the respiratory illnesses,” sabi nito.
Iba umano ang kondisyon ng panahon sa China at iba rin umano sa Pilipinas.
Hindi umano nakapapasok pa sa bansa ang virus ng China sa Pilipinas.
“Hindi pa [nakakapasok]. Tsaka iba ang weather nila doon, winter sila ngayon doon so you have to understand this is common in all the temperate countries,” dagdag pa ni Herbosa.
Sa kalatas din ng Department of Health (DOH), “ there is no evidence of novel pathogens or atypical clinical presentations” regarding reported pneumonia clusters.”
Humiling na rin ang DOH Epidemiology Bureau sa Chinese health authorities na magbigay pa ng karagdagang impormasyon sa pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses sa mga bata sa Beijing.
Hinimok din ni Herbosa ang publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay kung may flu at patuloy gawin ang cough etiquette upang huwag nang lumaganap ang sakit.
