KINUMPIRMA ng Department of Migrant Worker (DMW) na isa pang Israeli-link ship na may dalawang Filipino crew ang na-hostage ng hindi pa kilalang grupo si Gulf of Aden nitong Linggo.
“Sa ngayon, humihingi pa tayo ng official confirmation tungkol sa naganap na ito. Of course, mayroon nang initial reports na pumapasok at sa social media ay meron din,” sabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa interview sa Unang Balita bago kumpirmahind ang report.
Nakikipagkoordinasyon na ang DMW sa agency ng mga Filipino crew gayundin ang kondisyon ng mga ito.
Sinabi na pinasok ng hindi pa kilalang grupo ang chemical tanker na Central Park sa Gulf of Aden, ayon sa managing company ng barko at ng US defense official.
Ang Central Park ay isang maliit na chemical tanker na pinatatakbo ng Zodiac Maritime Ltd, isang London-headquartered international ship management company na pag-aari ng pamilya Ofer na mga Israeli.
Nagbanta naman kamakailan ang Houthi group na tatargetin pa nila ang maraming barko na pag-aari ng Israel upang maghiganti sa pagsakop ng mga ito sa Gaza.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN