Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
WALANG kahirap-hirap na inaprubahan ng Kamara ang batas na nagbibigay ng kaukulang pondo para sa pensyon ng mga beterano at mga retiradong sundalo, kalakip ang alokasyon para sa kalusugan at legal assistance sa mga unipormadong nahaharap sa mga kasong bunsod ng pagtupad ng tungkulin bilang sundalo.
Sa isang kalatas, muling sinuguro ni House Speaker Martin Romualdez ang isinusulong na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ang pagpapaunlad ng “defense posture ng bansa.”
“We are also exploring resources to further strengthen archipelagic defense and international alliances in the face of modern-day security challenges,” wika ni Romualdez.
Tiniyak din ng lider ng Kamara na paglalaanan ng pondo ang mga lugar na deklaradong “insurgency-free.”
“We in the House of Representatives are fully committed to supporting the peace-building efforts in recently cleared areas. To consolidate these gains, I will advocate for more infrastructure and barangay development projects, which are crucial for long-term stability,” dugtong ng lider ng kongresista.
Samantala, isang hamon ang ipinaabot ni Romualdez ang mga lokal na opisyal, mula sa gobernador hanggang sa kapitan ng barangay na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan at hindi bumalik ang rebelyon sa kanilang lugar.
“Rest assured, I will explore legislative measures to support this objective and exert efforts to convince our local executives to join us for a whole-of-government approach in securing peace for our homeland,” sambit pa niya.
Giit ng House Speaker, kinikilala ng Kamara ang paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo sa pagtatanggol ng pambansang soberanya.
“Sa mga okasyong ito, naipapaabot namin — sampu ng mga kapwa nating Pilipino – ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo sa lahat ng inyong mga sakripisyo. Mga sakripisyong ginagawa ninyo para bantayan at seguruhin ang pambansang seguridad at soberanya,” aniya pa.
Sa kaugnay na balita, binigyang-pugay ni Romualdez ang operational achievements ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sa ilalim ng pamumuno ni Lieutenant General Palafox.
“Your success in neutralizing communist terrorists, dismantling guerrilla fronts, and capturing firearms from the enemy is a testament to your dedication and bravery. The surrender of NPA regulars, along with hundreds of supporters withdrawing from the CPP, shows that peace is achievable with perseverance and strategic coordination.”
Aniya, ang SOLCOM ay hindi lamang bahagi sa paglaban sa paghihimagsik kundi maging sa pagpapatrolya sa mahigit 15,000 nautical mile at pagbabantay sa libu-libong sasakyang pandagat na pumapasok sa hurisdiksyon ng bansa.
“These actions strengthen our resolve in asserting sovereignty over Philippine waters,” dagdag pa niya.
Nangako naman ang Leyte lawmaker sa SOLCOM na maghahanap siya ng dagdag na pondo para matapos ang ipinatatayong imprastraktura gaya ng administrative building at iba pang support facilities.
“Sa madaling salita po, huwag kayong mag-alala. Sagot po namin kayo sa House of Representatives! Sama-sama at buong tapang po nating harapin ang hamon ng pambansang soberanya tungo sa mas maunlad at makabagong Pilipinas.”
