NAKATAKDANG magsagawa ng serye ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para talakayin ang hirit na dagdag-pasahe ng mga public transport groups .
Sa isang kalatas, ibinahagi ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza ang pagsasagawa ng dalawang magkasunod na pagdinig sa mga susunod na araw upang talakayin ang petisyon ng mga tsuper at operator ng mga pumpasadang dyip.
Pag-amin ni Mendoza, hindi biro ang kinakaharap na suliranin ng mga tsuper at operator sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng krudo at mga pangunahing bilin sa merkado.
Aniya, hindi na sapat ang kita sa pamamasada sa malaking gastusin ng pamilya.
Gayunpaman, nilinaw ng LTFRB chief na kailangan pa rin isangguni ang nakaambang taas-pasahe sa mga apektadong sektor ng lipunan. Isinasaalang-alang din aniya ng gobyerno ang posibleng epekto ng panukalang fare increase. (LILY REYES)
