KUMBINSIDO ang pamunuan ng Kamara na nasa tamang landas tungo sa asam-asam na sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat ang bagong Agricultural Tariffication Act na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Higit pa sa food security, naniniwala rin si House Speaker Martin Romualdez na palalakasin din ng bagong batas ang sektor ng agrikultura, gayundin ang kapakanan at kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino sa bansa.
“This is a landmark legislation that directly addresses the most pressing concerns of ordinary Filipinos: rising rice prices, food security, and the welfare of our farmers. It underscores our collective commitment to building a stronger, more resilient Philippines,” pahayag ni Romualdez na nasa likod ng bagong Agricultural Tariffication Act.
“Muling pinatunayan ni Pangulong Marcos ang kanyang malasakit sa bawat pamilyang Pilipino. Ang batas na ito ay isang matibay na hakbang upang tugunan ang isyu ng inflation, lalo na sa presyo ng bigas, na pangunahing pagkain sa bawat hapag-kainan,” dagdag ni Romualdez.
Sa ilalim ng bagong Agricultural Tariffication Act, binigyan ng mas malawak na poder ang Department of Agriculture (DA) sa pagsagupa laban sa hoarding, manipulasyon ng presyo, at iba pang maneobra sa merkado.
Naglaan din ang bagong batas ng P5-billion buffer fund sa kagawaran para sa mga emergency na may kinalaman sa seguridad ng pagkain, kasabay ng pagpapalawig hanggang 20131 ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na may taunang alokasyong P30 bilyon para tustusan ang mekanisasyon, pagpaparami ng binhi at iba pang programa para sa mga magsasaka.
“Malinaw ang mensahe ng Pangulo: walang Pilipinong dapat magutom o maghirap dahil sa mataas na presyo ng bigas. Ang batas na ito ay sagot sa matagal nang hiling ng ating mga magsasaka at mamimili,” ani Romualdez.
Binigyang-diin ng Leyte solon na isang direktang tugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga karaniwang Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at mga hamon sa ekonomiya ang nasabing batas.
“This is a victory for every Filipino household. It ensures that rice remains affordable and accessible while empowering our farmers to be more competitive and productive,” saad pa niya.
“This measure shows that we can fight inflation and support our farmers at the same time. It reflects our commitment to making sure that no Filipino is left behind as we build a stronger, more equitable nation,” dugtong na lider ng Kamara. (Romeo Allan Butuyan II)
