SA gitna ng mga panawagan para sa umento sa sahod, naglabas ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan lumalabas na kakulangan sa ‘skill’ ng mga manggagawang Pilipino ang dahilan kung bakit binabarat ng kanilang mga employers.
Sa pag-aaral ng PSA, halos 30% sa kabuuang 49 milyong manggagawang Pinoy ang tumatanggap ng sahod na mas mababa sa itinakdang minimum wage ng gobyerno.
Kasama anila sa mga binabarat ng mga employers ang mga alalay, kasambahay, kusinero, magsasaka, mangingisda, at iba pang pasok sa kategorya ng ‘routine jobs.’
Paniwala naman ni World Bank Country Director Ndiame Diop, karaniwang apektado sa pagsipa sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado ang mga obrerong hindi natutumbasan ng tama ang hirap ng kanilang trabaho.
“You have a large number of people. It’s 29.9, let’s say it’s 30 percent of workers who are in the low-skill, low-productivity, low-wage occupations. Some of them are not technically poor, but they are vulnerable to shocks. They can fall into poverty anytime. When there is a high increase in the prices of food, they can fall into poverty,” ani Diop.
Sagot naman ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma, pinagtutuunan na ng kanyang kagawaran ang talamak na pambabarat ng mga employers sa mga manggagawang Pilipino.
“Ang challenge pa rin sa atin ay quality of jobs. It means we have to be able to really provide more secure and more quality and decent jobs to our workers,” pahayag ng Kalihim.