Ni Romeo Allan Butuyan II
MATAPOS ang tiyakin ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na isusulong nito ang pagkakaroon ng “Free and Open Indo-Pacific,” mas pursigido ngayon ang liderato ng Kamara na patatagin ang posisyon ng Kongreso para sa mas ibayong proteksyon at pagtatanggol sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinatunayan ni Kishida sa harap ng mga senador at kongresista sa pagdaraos ng special joint session sa Batasan Complex ang mahigpit na bigkis ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“Prime Minister Kishida’s remarks prove that Japan is a dependable, eager, and stable partner of the Philippines in fostering international order. Together with like-minded nations such as the United States, we look forward to solidifying the cooperation blueprint with Japan,” sabi pa ng House Speaker.
Binigyan-diin ni Kishida ang hangarin ng Japan tiyakin malaya at ligtas na daan sa karagatan at himpapawid sa Indo-Pacific Region. Para sa larangan naman ng air and maritime security ng Pilipinas, ipinabatid ni Kishida ang pagkakaloob ng Japan ng 12 barko sa Philippine Coast Guard (PCG) habang isang Japanese firm naman ang nagbigay ng warning at control radar sa Philippine Air Force (PAF).
Bukod sa Coast Guard at Air Force, ‘naambunan’ din ang Philippine Navy (PN) sa tumanggap ng coastal surveillance radars sa bisa ng Official Security Assistance (OSA) ng Japan.
Dagdag pa ng Japan PM, pinaplantsa na rin ang panukalang Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA), na kanilang bersyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).
“We sincerely thank Prime Minister Kishida and the Japanese people for their generosity, they truly are a good friend of our country,” tugon naman ni Speaker Romualdez
“Incidentally, we in the House of Representatives have also begun to take serious steps to augment the capabilities of our PCG, Armed Forces of the Philippines (AFP), and other security agencies with the realignment of P1.23 billion in confidential funds under the P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB),” dugtong nglider ng Kamara.
Pinunto ni Romualdez na napakaganda ng mga pagtutulungan na iniulat ni Prime Minister Kishida kaya marapat lamang na sa paglalaan ng pambansang budget ay masuportahan ang PCG, PN o buong Armed Forces of the Philippines (AFP) sa layuning mapalakas ang kapasidad ng bansa lalo na sa pagbibigay proteksyon sa teritoryo ng bansa, kabilang ang Kalayaan Island Group at bahagi ng WPS na pilit na inaangkin ng ibang bansa — partikular ng bansang China.