WALANG puwang sa paliparan ang mga empleyadong may bahid ng droga., ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos maglabas ng direktibang pagsibak sa sa anim na airport personnel na nagpositibo sa random drug test.
Ayon sa CAAP, nasa 1,703 airport personnel ang isinalang sa drug test bilang bahagi ng polisiyang naglalayong tiyakin “drug-free” ang 14 na pasilidad sa ilalim ng pangangasiwa ng naturang ahensya.
Batay sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Lunes, isinagawa ang random drug testing sa 14 na CAAP-operated airports sa buong bansa simula Pebrero hanggang Agosto 2025.
Kabilang ang anim sa 1,703 na sumalang sa drug testing at nakumpirmang gumagamit ng iligal na droga.
Kabilang sa mga sinibak sa trabaho ang tatlong airport personnel mula sa Butuan Airport at tig isa mula sa General Santos International Airport, Ozamiz Airport, at Bacolod-Silay Airport.
