SA ikatlong pagkakataon, muling magpapatupad ng big-time oil price hike sa mga produktong petrolyo sa lokal na merkado.
Sa anunsyo ng Department of Energy (DOE), papalo sa P7.30 ang ipapatong sa presyo ng krudo kada litro, habang nasa P6.80 naman ang inaasahang dagdag sa kada litro ng gasolina at P4.22 sa kerosene.
SA pagtataya ng mga tsuper ng mga pampasadang jeep, posibleng pumalo sa P92 kada litro ang presyo ng krudo na karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon.
Sa ngayon, wala pa rin desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa hirit na P10 dagdag sa pamasahe.
Kamakailan lang nang maglabas ng babala ang mga oil industry players sa napipintong big-time oil price hike dahil sa paglala ng tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos sa Middle East.
