Ni Estong Reyes
WALANG ibang layunin ang pagtatakda ng price cap sa presyo ng bigas at pagpapasarado ng mga rice warehouse sa iba’t ibang bahagi ng bansa kundi lumikha ng eksenang pipigil sa pagbagsak na popularidad ng administrasyong Marcos.
“Seemingly, its true purpose is to induce widespread concern and panic, to prepare the public sentiment for extraordinary and irregular moves, like the importation of rice by the government itself,” giit ni Senador Risa Hontiveros matapos bawiin ng Palasyo ang price cap.
Para kay Honntiveros, hindi napatunayan ng price cap na gawa-gawa ng kartel, hoarders at price manipulators ang pagsirit ng presyo ng bigas ilang buwan matapos paiimbestigahan ang naturang usapin.
“Sana sa pagtatapos ng price cap, may mga nakasuhan at naparusahan na,” giit ni Hontiveros.
Aniya, pangunahing adhikain ng price cap parusahan ang hoarders na naglalayong magdikta ng presyo sa merkado.
“Unfortunately, it was the rice retailers who bore the brunt, subsequently queuing up for partial compensation from the Department of Social Welfare and Development.”