SA layuning tiyakin hindi na mauulit ang serye ng patayan sa hanay ng mga politiko, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of National Defense (DND) na lansagin ang private armies na aniya’y ginagamit sa politika.
Partikular ni tinukoy ni Marcos ang serye ng pananambang sa mga lokal na opisyal sa loob lang ng isang buwan – kabilang sina Negros Oriental Gov. Roel Degamo, Aparri (Cagayan) Vice Mayor Rommel Alameda, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., at Datu Montawal (Maguindanao) mayor Ohto Caumbo Montawal.
Sa idinaos na pagpupulong ng 11th oversight committee ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups sa Cotabato, binigyan-diin ni Defense Secretary Carlito Galvez ang kahalagahan wakasan ang kultura ng karahasan ‘sa ngalan ng kapangyarihan.’
“More than ever, the fulfillment of our mandate is now made more urgent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to dismantle private armies and identify hotspots where local officials are being attacked,” pahayag ni Galvez.
Siniguro naman ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos na tumatayong tagapagsalita ng task force na handa ang gobyerno tumugon sa hamon na palayain ang bansa mula sa pamamayagpag ng private armies na aniya’y ginagamit ng mga politiko bilang instrumento sa paghahasik ng karahasan sa mga malayong lalawigan.
“As we journey towards freeing the Philippines from its long-running gun culture, rest assured that the DILG stands ready to render any necessary assistance for the attainment of our noble objective,” ayon kay Abalos.
“Let us continue working together in tearing down the walls of divisiveness and animosity of partisan politics as we move towards giving our kababayans the peaceful and thriving communities they deserve,” dagdag pa ng Kalihim.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 16 katao – kabilang ang tatlong provincial officials ang nasugatan sa paglusob sa bahay ni Degamo sa bayan ng Pamplona noong Marso 4 ng kasalukuyang taon.