BAHAGYANG nakahinga ng maluwag ang motorista matapos sumingaw ang balita hinggil sa napipintong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes.
Sa pagtataya ng mga oil industry players, posibleng pumalo mula P1.70 hanggang P2.00 kada litro ang matapyas sa presyo ng krudong karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at dyip.
Inaasahan din ang P1.90 hanggang P2.20 tapyas presyo sa kada litro ng kerosene na karaniwang ginagamit sa pagluluto sa mga tahanan at kainan.
Nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro naman ang mababawas sa presyo ng gasolina.