INIHAYAG ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba sa 22.4% ng poverty rate sa unang kalahati ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Disyembre 22.
Naitala ang pagbaba sa bilang mula 23.7% sa kaparehong panahon noong 2021, ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa sa press conference.
“Ibig sabihin 224 sa bawat isang libong Pilipino ay nasa may pamilyang hindi sapat ang kinikita upang matugunan ang kanilang basic food and non-food needs sa unang anim na buwan ng 2023,” ani Mapa.
Layon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapababa ang poverty rate sa 9% sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028 sa pamamagitan ng pagpapalakas sa imprastruktura at foreign direct investment na lilikha ng mas maraming trabaho.
Nitong Miyerkules ay pinirmahan ni Marcos ang P5.768-trillion national budget para sa 2024, na tututok sa paglaban sa kahirapan, pagsisiguro sa soberanya ng bansa at pagpapalakas sa ekonomiya.