MULING nag-abiso ang Department of Health sa publiko na mag-ingat sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit tulad ng flu cases dahil sa pagbabago ng panahon.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na minomonitor na ng Epidemiology Bureau ang pagtaas ng biglang ng apektado ng sakit.
“Iyong parang trangkaso at parang tumaas nga, there are some schools that converted to online blended learning because of the number of students,” sabi ni Herbosa sa Palace briefing.
“So, it’s really the time during the rainy season where respiratory illness increases kasi nga sarado ang bintana, we are in enclosed spaces and people can really get infected,” dagdag pa nito.
Hinimok din ni Herbosa ang publiko, lalo na ang mga matatanda na magpa-flu shot.
“We have flu shot at the Department of Health. So, if you are high risks especially elderly and senior citizens – magpa-flu shot kayo; and then, kung kayo ay may sakit, may respiratory illness – ubo, sipon, sore throat – it is better to stay at home than infect all other colleagues in the office or in the school. So, very important iyong self-protection, ” sabi pa ng health secretary.