SA hangarin panatilihin ang kaayusan sa mga pangunahing lansangan, nakatakdang buksan ng Philippine National Police (PNP) ang aplikasyon para sa mga nagnanais sumapi bilang pulis. Ayon kay Brig. Gen. Randulf Tuaño, hindi bababa sa 6,500 bagong pulis ang target ng PNP sa pagbubukas ng pagsusumite ng acceptance folder (na bahagi ng recruitment process) mula Oktubre 21 hanggang 27 ng kasalukuyang taon. Sa naturang bilang, 5,000 bagong pulis ang itatalaga sa 17 Police Regional Offices, habang ang nalalabi naman ay para umano sa iba’t-ibang national support units. Paliwanag ni Tuaño, ang recruitment ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng PNP upang mapalakas ang serbisyo at mapanatili ang propesyonalismo sa hanay ng mga unipormadong tagapagpatupad ng batas. Samantala, binigyang diin naman ng PNP na libre ang proseso ng recruitment at walang sinumang indibidwal ang awtorisadong mangolekta ng bayad o mag-alok ng tulong kapalit ng pagpasok sa PNP. (EDWIN MORENO) Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kamara bukas sa kritisismo mula sa publiko – Speaker P15-bilyong ghost project ng AFP, fake news — Spox