HINDI pwedeng kabayaran sa mga nagawang kasalanan sa bayan ang pagbibitiw sa katungkulan.
Ito ang banta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pinaniniwalaang sangkot sa pinakamalaking katiwalian sa nakalipas na limang dekada.
Sa podcast ng Pangulo, partikular na tinukoy ni Marcos ang mga kapural sa likod ng trilyon-pisong anomalyang kalakip ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga dawit na personalidad ang mga senador at kongresista — kabilang ang kamag-anak na si dating House Speaker Martin Romualdez at kaalyadong si former Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
Aniya, hindi titigil ang gobyerno hanggat hindi nananagot ang mga nagkamal sa kaban ng bayan — sukdulang magdusa ang mga mamamayan.
“That’s not sufficient. That’s not enough. There is a great deal of damage that has been caused – not only financial damage – but actual damage to people’s lives,” anang Pangulo.
“Now, we know many of these people are not innocent. But if you are going to bring them to court, you must have a very strong case,” pahabol ni Marcos.
