HINDI bababa sa 223 Pilipino sa Israel ang nanawagan sa pamahalaan para sa agarang repatriation sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Partikular na tinukoy ng DFA ang datos na nakalap ng ahensya mula sa mga embahada sa mga bansang Israel at Iran. Itinaas na rin ng ahensya ang antas ng alarma sa Crisis Alert Level 3 na nangangahulugang voluntary repatriation.
Samantala, sinabi naman ng DFA Undersecretary Eduardo de Vega nitong Linggo na 27 Pinoy sa Israel, kabilang ang 26 overseas Filipino worker (OFW) at isang turista, ang inaasahang darating sa Pilipinas sa Lunes o Martes.
Kasalukuyan na umano silang nasa Amman, Jordan.
Samantala, walong Pinoy sa Iran, kabilang ang anim na OFW at dalawang turista, ang inaasahang makauwi sa bansa sa Huwebes.
