NANAWAGAN si Speaker Martin Romualdez sa lider ng iba’t-ibang mga bansa na ipagtanggol ang Pilipinas sa mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa binigkas na talumpati sa 29th Parliamentary Intelligence-Security Forum na ginaganap sa Madrid, Spain, nanindigan si Romualdez sa kahalagahan ipaglaban ang soberanya at karapatan ng Pilipinas alinsunod sa international law at pagkakaisa sa mga demokratikong bansa.
“Let me be clear: the Philippines remains steadfast in protecting our rights and entitlements in the West Philippine Sea by upholding international law, particularly the 1982 UNCLOS and the 2016 South China Sea Arbitral Award,” pahayag ng House Speaker.
“We categorically reject attempts to undermine our sovereignty, sovereign rights and jurisdiction through coercion or disinformation,” dugtong niya.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos ang panibagong pambobomba ng tubig at pagbangga ng isang Chinese coast guard ship sa research vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bahagi ng Pag-asa Cay 2 (Sandy Cay) sa WPS.
Bago nito, ilang insidente ng pambubully ang ginawa ng China sa mga barko ng Pilipinas, kasama na ang ilang civilian supply boats na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal, habang mayroon ding mga marahas na pangyayari sa bahagi ng Escoda (Sabina) Shoal.
“These are not isolated incidents. This is not just a regional issue. It is a global test of whether the rule of law will prevail over brute force.” dismayadong pahayag ni Romualdez.
Iginiit ng lider ng Kamara na paninindigan ng Pilipinas ang itinatakda ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 Arbitral ruling na kumilala sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at tumutol sa malawakang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa South China Sea.
Sa kabila ng mga mararahas na hakbang ng China, sinabi ng Leyte lawmaker na kailanman ay hindi isusuko ng Pilipinas ang mga karapatan nito at kikilos sa ilalim ng foreign policy na nakabatay sa kapayapaan, katarungan at paggalang sa isa’t isa.
“Our approach is anchored on legal clarity, diplomatic dialogue, leveraging partnerships, and the peaceful settlement of disputes,” dagdag pa niya.
“We will not allow foreign narratives to distort the truth on the ground. Nor will we permit coercive actions to dictate our national destiny.”
Apela ni Romualdez sa mga bansang nais ang kapayapaan, kaayusan at pagsunod sa rule of law, maging mapagmatyag at magkaisang labanan ang mga taktika ng panlilinlang, panggigipit at paglabag sa batas, kasama na ang maritime law. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
