SA gitna ng mga agam agam sa nakaambang exportation ban ng bansang India, tiniyak ng bansang Vietnam na susuportahan ang pangangailangan pang-agrikultura ng Pilipinas, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa isang bilateral meeting para sa ika-44 na ASEAN Inter-Parliamentary General Assembly na ginanap sa Fairmont Hotel sa Jakarta, Indonesia siniguro ni Vuong Dinh Hue na tumatayong presidente ng Vietnam National Assembly ang sapat at abot-kayang supply ng bigas para sa mga Pilipino.
Ayon kay Romualdez, kabilang rin sa lalahok sa pagtitipon ng mga mambabatas sa mga kasaping bansa ng ASEAN sina Pangasinan Rep. Rachel Arenas at Zamboanga Del Norte Rep. Glona Labadlabad.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibleng epekto ng mga nagdaang bagyo, El Niño at ang napipintong export ban ng India sa supply ng bigas sa bansa.
“Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez on Sunday secured the commitment of Vietnam to provide the Philippines with a stable supply of rice at affordable prices in affirmation of the strong, friendly relations between the two countries,” saad sa pahayag mula sa tanggapan ng lider ng Kamara.