
ASAHAN ang pinag-ibayong pagtatago ni former Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ng dating tagapagsalita ng Palasyo.
Partikular na isinantabi ng Korte Suprema ang petisyon ni Roque sa writ of amparo laban sa quad committee ng Kamara at sa pagdinig sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Puspusan na rin ang manhunt operation ng Kamara at pambansang pulisya laban kay Roque bunsod ng hindi pagdalo sa mga nakaraang pagdinig hinggil sa alegasyong nagdadawit sa dating Palace official sa Lucky South 99, isang POGO hub sa Porac, Pampanga.
“It held that amparo is not the proper remedy against Congressional contempt and detention orders. The scope of amparo is limited to extralegal killings and enforced disappearances, or threats thereof, which are not present in this case,” saad sa isang bahagi ng kalatas ng Korte Suprema.
Inatasan naman ng korte ang quad committee na magsumite ng komento sa petition for prohibition, sa loob ng 10 araw.
Setyembre 23 nang maghain ng petisyon anak si Bianca Roque (anak ng pugante), ng petisyon humihikayat sa Korte Suprema na maglabas ng temporary protection order at pigilan ang quad committee naipatupad warrant of arrest laban sa kanya.