
Comelec chair George Garcia
ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) ang special election sa Disyembre 9 para punan ang binakanteng posisyon ni dating District 3 Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.,
Ayon kay Chairman George Garcia, mandato ng Comelec na isailalim sa control ng poll body ang mga tanggapan ng pamahalaan at law enforcement agencies sa isang lugar.
Posibleng isagawa naman ang pagsusumite ng certificates of candidacy (COCs) mula Nobyembre 6 hanggang 8.
Paglilinaw ni Garcia, maaari pa rin umanong maghain ng kandidatura si Teves dahil sa ilalim aniya ng batas, kwalipikado ang sinuman nahaharap sa kaso hangga’t hindi pa lumalabas ang hatol ng husgado.
Matatandaang sinibak ng Kamara si Teves dahil sa pagmamatigas kontra sa panawagan ng mga kapwa kongresista na bumalik sa bansa para harapin mga alegasyon kaugnay ng pagpanaw ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo at asikasuhin ang kanyang trabaho bilang kinatawan ng kanyang distrito.
Iginigiit ni Teves na nangangamba umano siya sa kaniyang kaligtasan kaya hindi siya umuuwi habang tahasang itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.