TULUYAN nang bumaba sa pwesto ang administrador ng isang ahensya sa ilalim ng Department of Agriculture sa pwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA).
Dahilan ni David John Thaddeus Alba sa kanyang resignation letter na isinumite sa Palasyo – hindi kainaman estado ng kanyang kalusugan.
Gayunpaman, mananatili pa sa kanyang tanggapan si Alba hanggang Abril 15, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Sa pahayag ng PCO, sinubukan pa diumano ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pigilan si Alba – “He (Alba) reasoned his worsening health condition. Upon the directive of the President, his resignation will be effective on April 15 to prepare the appointment of his replacement.”
Hindi naman kumbinsido ang ilang prominenteng negosyante sa isyu ng kalusugan ni Alba na nagbitiw sa kainitan ng kontrobersiya sa importation ng 440,000 metric tons ng asukal na itinalaga sa tatlong “handpicked” importers.
Kagyat naman na nagpatawag ng imbestigasyon si Senador Risa Hontiveros kaugnay sa naturang isyu, habang nangako naman ang Department of Agriculture na sisilipin nila ang mga iregularidad sa importasyon.