TARGET ng Kamara isalang sa tinaguriang ‘hot seat’ ang pamunuan ng Social Security System (SSS) kaugnay ng kabi-kabilang reklamo ng mga miyembrong pilit sinisingil ng ahensya sa loan na wala naman di umano silang kinalaman.
Sa resolusyon na inihain ni Misamis Oriental Rep Sancho Fernando Oaminal sa Kamara,, partikular na tinukoy ng kongresista ang umano’y pangungutang ng ibang tao gamit ang account ng mga SSS members.
Batay sa impormasyong kalakip ng HR 1634, lumalabas na may mga SSS members na nakatanggap ng perang katumbas ng calamity at salary loan na di naman aniya nila inaplayan.
Para maituwid ang inakalang di sinasadyang pagkakamali, dumulog sa ahensya ang mga SSS members. Gayunpaman, pilit pa rin di umano sila pinagbabayad ng SSS sa perang di naman nila nahawakan – at lalong di napakinabangan.
“Despite reports of these incidents by various customers to SSS, including the filing of the pertinent dispute and/or com-plaint, members are nonetheless asked to pay for such irregular and fraudulent loan transactions,” saad sa isang bahagi ng resolusyon.
“The members attribute these irregular and fraudulent transactions as a consequence of hacking, lax verification procedures, and inside job in the SSS, among others.”
