
PARA kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, nakatisod ng “ginto” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa napiling kapalit ni Gen. Rommel Marbil bilang hepe ng pambansang pulisya.
Nakatakdang bumaba sa pwesto sa Hunyo 7 si Marbil na nagsilbing Philippine National Police chief mula Abril ng nakalipas na taon.
Paglalarawan ni Remulla sa susunod na PNP chief, “very qualified, very dynamic at malinis na malinis ang track record.”
Gayunpaman, tumanggi ang Kalihim magbigay ng iba pang detalye. Aniya, hintayin na lamang ang anunsyo ng Pangulo sa mga susunod na araw.
Samantala, nanindigan si Marbil na lahat ng mga nominadong papalit sa kanyang pwesto ay pawang kwalipikado.