NALAGAY sa peligro ang mga alagad ng musikang lulan ng Atin Ito civilian mission habang nagsasagawa ng concert lulan ng MV Kapitan Felix Oca sa gitna ng West Philippine Sea.
Sa naantalang ulat ng Atin Ito coalition, partikular na tinukoy ng grupo ang pagbuntot ng China Coast Guard (CCG) vessels na may hull number 3306 at 21549.
Ayon sa grupo, hindi pa man ganap na nakakalayo ang MV Kapitan Oca nang umpisahan ng mga CCG vessels ang pagbuntot sa layong 54 nautical miles mula sa El Nido, Palawan.
Pag-amin ng grupo, nakatanggap ng radio message ang MV Kapitan Oca mula sa CCG – bagay na sinuklian ng radio challenge ng nagmamando sa sasakyang dagat kung saan nakasakay ang mga Pinoy artists.
Sa tinatayang 100 kataong sakay ng MV Kapitan Oca ang mga sikat na musikerong Pinoy kabilang sina Ebe Dancel, Noel Cabangon at iba pang local at foreign artists.
