SA kabila ng mabigat na pagsubok sa buhay, nananatiling puno ng pag-asa ang mga Pilipino.
Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 14 hanggang 23, nasa 47 percent ng Pilipino ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Nasa 40 porsyento naman ang kumbinsidong walang magbabago sa antas ng estado ng mga Pilipino, habang limang porsyento ang diskumpyado. Anila, mas magiging mahirap ang buhay.
Meron din ilang respondents ang dedma sa tanong.
