SA hindi inaasahang pagkakataon, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na repasuhin ang estratehiya kasabay ng mungkahing bantayan ang bantang posibleng magmula sa labas ng bansa.
Sa kanyang talumpating binigkas kasabay ng ika-126h anibersaryo ng Philippine Army, hayagang inilarawan ng Pangulo ang aniya’y mas komplikado at sitwasyon sa seguridad ng bansa.
Para kay Marcos, halos tapos na ang banta ng kilusang komunista.
“The fight against communist insurgency is coming to an end, The army should now focus its mission on paving the way for the disbandment of communist rebels,” diin ng commander-in-chief.
“We have come to a point in our country’s history when a half-a-century’s fight with insurgents is coming to an end. With the declining numbers of the Communist Terrorist Group, we must now recalibrate our military approach.”
“As our ground troops, you have done the difficult part of clearing our communities of internal security threats. You must now continue being the catalyst to their surrender and disarmament,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, walang binanggit si Marcos kung anong bansa ang nagbabanta sa seguridad ng Pilipinas.