
MATAPOS balewalain ang direktiba ng Kongreso, pinatawan ng 60-araw na suspensyon si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. na tinuturong utak sa likod ng pamamaslang kay Gov. Roel Degamo.
Sa botong 292, pinagtibay ng Kamara ang kastigo laban sa bruskong kongresista, batay sa rekomendasyon ng House Ethics Committee.
“Rep. Teves showed disorderly behavior when he stayed abroad with expired travel clearance and defied orders to return home and perform his congressional duties,” ayon sa isang bahagi ng rekomendasyon ng komite.
Sa ilalim ng umiiral na panuntunan ng Kamara, tatlong uri ng kastigo ang karaniwang ipinapataw kalakip ng bulilyaso ng isang mambabatas – babala (reprimand), suspensyon o di naman kaya’y pagtanggal sa talaan ng mga kongresista.
Bago pa man nagpasya ang Kamara, nanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teves para umuwi sa bansa sa lalong madaling panahon, kasabay ng garantiya sa kaligtasan ng kongresista.
‘You are rich, you have a private jet, you can land wherever you want and our army will cover the perimeter of the air force base,’ ani Marcos bilang tugon sa agam-agam ni Teves sa di umano’y bansta sa kanyang kaligtasan.
Bukod kay Marcos, umapela rin si House Speaker Martin Romualdez kay Teves na umuwi na sa Pilipinas para harapin ang mga nakaumang na kaso.